Sunday, July 10, 2016

Makasariling Panaghoy

Ilang milyong bulalakaw ang nahulog
Ngunit walang duminig sa'king pagsusumamo
Isang segundo pa
ng yakap mo
Isang sulyap pa
ng mga mata mo
Isang ngiti pa
Isang salita pa
ng "Hindi ka nag-iisa"

Ngunit ang katahimikang mula sa kanila
Ay pagpoprotekta lamang pala
Nang hindi na lubos pang madurog
Puso kong 'di maarok
Itong sakit na 'yong alok

|22:08|May 4, 2016|

No comments:

Post a Comment