Sunday, July 10, 2016

Hinagpis I

I hinehele ng haplos nitong sumasayaw na ihip ng hangin
Ang bawat balahibo kong pinatatayo nito
Nakikita ko ang kadilimang nagpapalamig lalo sa aking mundo,
yumayakap, habang ang aking mga mata'y nababanaag
ang payapang anino ng mga sanga at dahong
nakikiindak sa malamyang tugtuging hatid ng kulog, kidlat,
at kalungkutang hatid nitong yumayakap na gabi

|22:27|May 13, 2016|

No comments:

Post a Comment