Sunday, July 10, 2016

Hinagpis III

Minsan, malakas ang alindog ng mga salitang
"Nais ko nang maglaho" sa akin,
Hinihila ang aking katauhan upang tumindig at tumitig sa kawalan
Kung 'san tila naroroon ang kalayaan.

Ngunit mali.

Sa bisig ng malalim na gabi
At buwan na tila mayuming lampara'y
Naroroon ako, kinakandili.
Ang sigaw ng kadilima'y
bumulahaw sa aking walang buhay na mga mata,
humawak sa aking upos na kandila,
bumalot at nagsabing
"Narito ako"

|22:29| May 13, 2016|

No comments:

Post a Comment