Sunday, July 10, 2016

Hinagpis II

"Puro na ako kamalian", itong bulong ng itim na langit sa aking tainga
Ngunit hindi nito maarok ang kaibuturan ng aking damdaming
tila ba unti-unti nang nawawala
Marahil dahil ang mga bituin ay nakikipaglaro
ng taguan sa aking nag-iisang puso

"Walang nakakaintindi sa'kin"
Panaghoy ng bawat patak ng kasawiang
gumugulong sa aking kaluluwa

|22:28| May 13, 2016|

No comments:

Post a Comment