Hindi ko alam kung paano sisimulan
Isang siklo nanaman ng damdaming ‘di ko matalikuran
Alam ko, alam kong ito’y pawang katangahan,
Ngunit kahit sinong magmahal , lulubog sa putik ng
kahunghangan
Hindi ko alam kung bakit laging sariwa itong nakaraan
Na sa bawat patak ng ating mga alaala sa bote ng isipan ay
siya ring patak
Patak nitong luhang nananakmal ng aking puso para sa
kalayaan
Ano nga bang mas
masakit, yung di mo siya nakikita, o hawak mong mga kamay nya
Ngunit wangis mo sa kanyang mata’y yaong taong mahal nya?
Hindi kasi ako yung tipong sa pag ibig basta naniniwala
Madalas sapat na bawat nakaw na sulyap o maiikling salita
‘Yung mismong konsepto,para sakin, masyadong mahalaga
Ngunit alam mo, yong
lahat nang yon, nung dumating ka’y nasira
“Hindi” na ang sagot ko sa isipan nung sinabi mong manunuyo
ka
Hindi na kasi una pa lang, alam kong sya na
Hindi na kasi, napansin mo lang ako, dahil may hawig kaming
dalawa
Hindi na, ngunit noon ayokong manakit ng iba
Sa ganito naman nagsisimula lahat, di ba?
Sa dalas ng chat, text, usap, na minsan kundi madalas,
tungkol sa kanya
Sa mga tawag na nagiging bulungan pagkat madaling araw na
Sa damdaming tila yelong nabuo, sa init ng mga tinurang
salita
Siguro sa bawat sabi mong “mahal kita”, imbis sakin, sa
kanya ka nakatingin?
Siguro, dahil magkamukha kami, sa’kin nabaling, di mo
nasukliang damdamin
Siguro, langit siya, lupa ako,gaya nga ng sabi mo’y mas
madali ako abutin
Siguro nga sa kabila ng pangmamaliit, pambabalewala, “Mahal
na kita” ang gusto kong sabihin
Naranasan kong lamunin ng bawat titig mo
Naranasan kong lunurin ng papuri’t pangakong kulay panloloko
Naranasan kong lumigaya habang puso’y nagdurugo
Naranasan kong lumukso at umibig ang puso nang totoo, para
sa pinakamaling tao
No comments:
Post a Comment